Category Archives: Personal

So about last night

We were sitting on the booth, and there were tears streaming down your beautiful face. My heart is in limbo and you’re getting married. We held hands in precisely the way we shouldn’t.
“I can wait.” you said.
“You shouldn’t. This is your shot at happiness.” This wasn’t me being noble. This was me being truly in love with you; this was the truth.
I wanted to tell you that just that morning I had my heart shot down. But I can’t. This isn’t about me and her; or you and him. This is about me and you.
“You have no idea how many times I’ve fantasized about running to the Philippines with you.” you wiped off your tears.
“You should’ve told me.” I answered.
We went to an alley and did what we had to do (it wasn’t sex; we’ve always had something much better). The dark and cold alleys of Chicago are our home.

We returned, flushed and giggling. Your fiance stormed off in anger.
It will probably be the last night I see you.

You should’ve told me.

The Witch

She knows

She steps

on the grass

learned

and learning

the witch

of the waters

 

A raven, she saw

gathering sticks

and smooth pebbles

 

How do you do, dear raven?

 

To which it replied

“My heart it flutters,

it has been split in three;

one for myself

and one for my people

the other

she took from me”

 

Was it the swan? she asked

The one so gentle

skittish

and free?

The one who visits

the lake but leaves

no trace?

 

The raven

circled

“The swan,” it said,

“I know not much of her

but what I know

I know

so, so clearly”

 

And the witch,

taking pity

offers out her palms

 

I will sing to you

of swans

dear raven

 

a swan

is not a swan if she does

not float on waters

on rivers

on sweet mirror-lakes

it is her fate

and necessarily yours

that you wait

 

Do not neglect

the concerns of your household

dear raven

a swan

is not a swan if she does

not spin in your fancies

and bitersweet longing

a creature she is

of daydreams

and flowers

flowers, my dear

not of earth

but of heart

 

dear raven

this swan

is not a swan if she does

not dither and doubt

for what greater honor

is there

than to tame a wandering heart?

be greatful

her smile her wile

her loving touch

cold though

as they

may be.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Isang oda para sa minamahal kong si Melanie

Nagkakilala kami sa isang rally.
Bago lang kami sa UP nu’n. Ang totoo nga niyan mga freshie lang kami, katatakas pa lang mula sa mga mapagbantay na mga mata ng mga nanay namin (pareho kaming wala nang tatay), kaya masayang mag-eksperimento. Sa isang raling nananaawgang baguhin ang sistema at palayain ang sambayanan, kaming dalawa lang ‘ata ‘yung nakangiti.Kumakain s’ya ng rasyon ‘nung una ko s’yang makita. May mga pinamimigay kasi ‘yung mga madreng sumama. Mga sandwich at itlog na sila mismo ang nagluto. Nakaupo s’ya sa sidewalk, at tumabi ako sa kanya.

Hindi ko naman talagang gawain ‘yun. ‘Yung tatabi na lang bigla sa isang babaeng maganda na hindi ko naman kilala tapos kakausapin. Siguro nga aalis din ako bigla kung ‘di niya lang ako inalok ng itlog.

“Gusto mo ng itlog? Hindi ko na ‘ata makakain ‘tong sa’kin. Sa’yo na lang.” Sabi n’ya.

“Ha?” sinagot ko, parang tanga.

Tumawa s’ya ng konti tapos sabi n’ya, “Sa’yo na lang ‘tong itlog ko. Naubusan na kasi, e.”

Naging sentro ka ng aking pagkatao.

Ganu’n nagsimula ‘yung pag-uusap namin. Tinanggap ko ‘yung itlog, tapos nag-usap kami tungkol sa rali. Tulad ko, hindi rin naman s’ya madalas maki-martsa sa lansangan. Sa totoo nga, dati iritang-irita raw s’ya ‘dun sa mga mahilig magrali. Ang iingay raw. Parang ambabaho, taops hindi na nag-aaral.

Oo nga, e, sabi ko. Parang magkakamukha na sila. Bakit ka naman sumama ngayon? Tinanong ko.

Nagkibit-balikat lang s’ya tapos kumagat ulit sa sandwich. “Sobra na kasi talaga,” sabi n’ya, “ngayon, parang kapanipaniwala na ‘yung mga aktibista.”

“Napanood mo ba ‘yung trial sa TV? Parang ‘di totoo, ‘no?” dagdag n’ya, medyo puno pa ang bibig.

“Hindi ako nanunuod ng TV. Sumama lang talaga ako kasi may nag-alok sa’kin, taops sumama yung buong block ko. Hindi ko rin naman talaga masyadong naiintindihan, pero tingin ko na rin kailangan nang palitan ‘yung presidente. Sumosobra na s’ya.”

Tapos nun biglang nagtayuan ‘yung mga tao. May bago yatang magsasalita sa entablado.
“Erap Resign! Erap Resign!” sabay-sabay na sinigaw ng mga tao. ‘Yung iba, nakataas ang mga kaliwang kamao. ‘Yung iba kumukuha ng litrato. Meron ding nagpapakuha ng litrato. Pero lahat sila sabay-sabay nang magsigawan.

“Erap Resign! Erap Resign!”

Ang naisip ko nun para kang nakatayo sa harapan ng isang bus tapos biglang fi-null blast ng bwakanang-inang driver ‘yung busina. Ang lakas, parang rock concert.

Parang lindol.

Namalayan ko na lang na nawala na s’ya. Nilamon na nung libo-libong mga nagdidikdikang mga tao taops mag-isa na naman ako.

“Para kang tanga,” sabi ko sa sarili ko. “Hindi ka naman nag-iisa ‘di ba kasama mo nga yung buong block mo?”

Nahanap ko nga rin sila, yung mga kaklase ko, pero s’ya, hindi na.

At du’n, sa gitna ng isang pag-aalsa, sa gitna ng mahigit-kumulang dalawang milyong nagsisigawang mga tao, sa harapan ng kasaysayang bumubuka, naramdaman ko kung pa’no nga ba ang tunay na maging mag-isa. Nakisabay ako sa daloy ng mga tao, pero parang nawawala pa rin.

Hinahanap ka.

Naaalala mo pa ba ‘yun, Melanie? At nagkita ulit tayo, mga isang taon matapos ang pag-aalsa (Ang labo ‘no? sa liit ng UP…). Para akong nasunog sa tingin mo nung nagkasalubong tayo sa may AS. Ibinaba ko agad yung mga mata ko, hindi mo naman siguro ako maaalala. Pero tinapik mo ang aking braso tapos nginitian mo ako. Wala na sigurong mas gaganda pa sa ngiti mo.

“Di ba ikaw ‘yung sumama dun sa rally?” tinanong mo.

“Ako nga.” Sinagot ko.

Inalok mo ang iyong kamay tapos sinabi mo, “Hindi man lang ako nakapagpakilala. Ako si Melanie.”

Ang gandang pangalan. Melanie, Melanie, Melanie.

“Ako naman si Bong.” Pakilala ko naman. Napatawa ka nang konti, at nagtaka ako.

“Hindi ko kasi maintindihan kung pa’no nagiging ‘Bong’ ang isang tao.” Paliwanag mo. “Yung Roberto, nagiging ‘Bong’, yung Carlo nagiging ‘Bong’. May kakilala nga ako dating Tom, pero ‘Bong’ yung tawag sa kanya. Parati tuloy siyang asar-talo sa school.”

(Hanggang sa maghiwalay tayo ay hindi ko nga nasabi sa’yo ang totoo kong pangalan. Pero hindi ito Bong, at ako mismo hindi sigurado kung pa’no ako naging ganun. Ilang beses mo rin akong kinulit pero ayokong sabihin sa’yo. Simula pa lang kasi pinagtawanan mo na ang palayaw ko.)

Kumain tayo sa Rodic’s pagkatapos. Nilibre mo ako. Merong maliit na boses na bumubulong sa utak ko na sinasabing baka may crush ka sa akin. Pero hindi, sabi ko. Imposibleng magkagusto sa akin ang isang katulad mo.

Nag-usap ulit tayo, parang dati. Madami nang nagbago. Sa’yo, hindi sa akin. Ako, nandun pa rin sa buhay na sandaling tumigil nung pag-aalsa. Nag-aaral. Naghahabol ng tres. Nanununod ng sine, padate-date, pagimik-gimik. Pero ikaw? Ikaw ibang tao ka na.

Kinwento mo yung mga napuntahan mo pang mga rali. Sa US embassy, sa senado, sa may Mendiola. Na-water cannon ka na, nabatuta ng pulis, natapakan ka ng mga umaatras na kapwa ralyista. Nahuli ka na nga, e, pinagmalaki mo. Habang nagva-vandal sa may V. Luna. Nung ini-interrogate ka ng barangay at sabi mo binayaran ka lang, tapos hindi mo kilala yung nagbayad. Basta intsik siya, may dimples, tsaka guwapo.

Kamukhang-kamukha ni Rico Yan.

Hindi ko rin naman matandaan ngayon yung mga sumunod na nangyari. Basta isang linggo pagkatapos nu’n nandun na tayo sa apartment ko, magkasama. Hindi pa rin ako makapaniwala sa suwerte ko, habang pinapanood na gumapang ang araw sa natutulog mong mukha. Humikab ka tapos tinanong mo kung humilik ka. Sabi ko hindi ko napansin kasi mahimbing din ang tulog ko.

Pero alam mo, Melanie, humilik ka. Humilik ka at napansin ko dahil halos gabi-gabing magkasama tayo wala akong ginawa kundi panoorin kang matulog. Minsan nananaginip ka pa nga. Minsan tungkol sa akin, minsan naman tinatawag mo ang nanay mo. At minsan, minsan parang nagtuturo ka. Hindi ko pa naiintindihan nu’n pero yung tinuturo mo parang parating may “rebolusyon”, “masa”, tsaka “kalayaan.”

Ah, Kalayaan.

Parang Malaya na rin ako habang kasama kita, Melanie. Ang ganda-ganda ng boses mo habang naggigitara ko. Kinakanta mo yung “Strawberry Fields” tsaka “Ang Huling El Bimbo.” Parang wala nang problema sa mundo. Parang wala nang nagugutom, wala nang nagkakasakit, wala nang nahihirapan, wala nang nagpapahirap.

Ah, Kalayaan.

Nang tumagal-tagal napansin kong hindi ka na madalas pumasok. Minsan na lang kitang abutan sa apartment. Buhay aktibista nga naman, sinabi ko sa sarili ko. At iiwanan ko na sana dun, hanggang hinatak mo ako isang araw at dinala sa may Katipunan. May limang tao sa loob ng Starbuck’s, masayang nagtatawanan at umiinom ng tig-80 pesos na kape. Tapos sa labas may isang batang babae, may hawak na plastik at baso na may lamang maitim na instant pansit sa loob. Lumapit tayo at namalimos ang bata. Ang baho niya. “Ayan,” sinabi mo, “ang estado ng ating lipunan.”

“At ano naman ang gusto mong gawin natin? Umiyak tapos gumawa ng mga malulungkot na tula tsaka kanta?” irap ko. Umiling ka, at natawa ulit ng kaunti.

“Tapos na ang panahon ng malulungkot na kanta, Bong,” sinagot mo, “kailangan na nating lumaban.”

Ang tanga-tanga ko, Melanie. Lagi akong nagagalit sa’yo ‘pag ganyan kang magsalita. Nagpapakatibak ka na naman. Ang tanga-tanga ko. Mamamaalam ka na pala. Paakyat dyan, dyan sa mga bundok ng Ilocos. Gusto mo palang ipaliwanag sa akin kung bakit. Gusto mo palang sabihin na mahal mo ako pero may mga bagay na dapat pang gawin, mga labang nangangailangan pa ng sundalo.

Ang laban para sa kalayaan.

Naaalala pa rin kita madalas. Para akong sinusuntok sa sikmura tuwing naririnig ko yung “Strawberry Fields”, tsaka “Breakfast at Tiffany’s” (na paborito rin nga pala natin). Napapatigil, natutulala sandali.

‘Wag kang masyadong matapang, Melanie. Kung naubusan kana ng bala, tumakbo ka na. Kung kaya na ng mga kasama mo wag ka nang sumugod, dun ka na lang sa likod. Kung napapagod ka, humingi ka ng leave, taops puntahan mo ako ditto. Padadalhan kita ng Off lotion para hindi ka masyadong lamukini, ang dali mo pa namang magpantal.

Alam mo, sumasama na rin ako sa mga rali ngayon, kasabay nung mga kasama mong naiwan dito. Nabatuta na rin ako tsaka na-water cannon. Pero hindi pa ako nahuhuli. Kaya ka pala umalis, Melanie. Dito sa labang ito walang hipokrito, walang pa-kyut. Hindi tulad nung rali kung san tayo nagkakilala. Dito walang naghihirap, kasi maski walang pera, panatag naman ang loob mo na tama ang ginagawa mo.

Madalas taong magtalo nun, naalala mo? At dahil gago ako at mabait ka, lagi akong nananalo. Pero ngayon, Melanie, panalo ka. Tapos na nga ang panahon para malungkot. Kailangan na nga nating lumaban. Sapagkat ang oda palang ito’y isang pagpupugay.

Mag-iingat ka dyan, nag-iipon pa rin ako ng tapang na sumunod, pero mukhang matagal pa ‘yun. Balikan mo na lang muna ako.

Nagmamahal, maghihintay,

Manuel.

Oh, diyosko!

O kaya 'wag mo na lang tingnan.

1. Hindi ito tungkol sa’yo.

Magkaintindihan tayo.

Kung isa akong alagad ng sining at naglagay ako ng tite sa noo ng larawan ni Kristo, hindi ito tungkol sa’yo.Maaaring gumagawa ako ng pahayag tungkol sa duwalidad ng profane/divine imagery. Maaaring gumagawa ako ng pahayag tungkol sa hipokrismo ng lipunan. Maaaring tinatamad lang ako at hindi ako magaling sa visual metaphors.

Pero ang maliwanag ay hindi ko ito ginawa para insultuhin ka.Kilala ba kita? May ginawa ka ba sa akin? Bakit kita iinsultuhin e ni hindi nga kita kilala? Maaaring nakakainsulto ang ginawa ko sa mga sensibilidad mo, totoo. Pero lamunin mo ang kayabangan mo. Hindi umiikot ang mundo sa malaki mong bungo, at wala akong panahong insultuhin ka bilang indibidwal.

At ‘wag mong isama dito ang nanay mo. Nagtirik ako ng tite sa noo ng larawan ni Kristo, hindi ng nanay mo. Hindi public figure ang nanay mo. Malamang hindi rin isang historikal, politikal, ispiritwal at pilosopikal na icon ang nanay mo. Walang mga gunggong na naniniwalang hindi pwedeng humingi ng diborsyo ang isang binubugbog na babae dahil magagalit ang nanay mo. 

Wala pang giyerang inilunsad sa pangalan ng nanay mo.

Kaya bilang isang alagad ng sining, bilang kabahagi ng lipunan, meron akong karapatang magtirik ng tite sa noo ng isang larawan ni Kristo, pero wala akong karapatang magtirik ng tite sa noo ng larawan ng nanay mo. Dahil sa’yo ang nanay mo, pero sa ating lahat ang mga icon kagaya ni Kristo, gustuhin mo man ito o hindi. Mabuti nang ngayon pa lang ay  maintindihan mo na ito.

2. Mahina ang pananampalataya mo

At ikaw pa ang may ganang mag-demanda

Bakit ka nga ba naiinsulto? Bakit ang laki na lang ng galit mo? Bakit handa kang magsimula ng apoy sa CCP na kung lumaki ay maaaring makapatay ng tao? Bakit handa kang pagbantaan ang buhay ng kapwa mo para sa isang imaheng hindi naman tungkol sa’yo? 

Alam ko kung bakit. Kasi mahina ang pananampalataya mo. 

Nakasalalay ang pananampalataya mo sa pag-sang ayon ng iyong mga kaibigan, ng iyong mga kaklase, ng iyong mga magulang. Nakasalalay ang pananampalataya mo sa pag-sang ayon ng mga taong nakapaligid sa’yo. Nananampalataya ka lamang dahil lahat ng nakapaligid sa’yo ay katulad mo. Kung nabuhay ka nuong panahon na kung saan pinapakain ang mga kristiyano sa leon, ikaw ang unang sasamba kay Caesar.

Kaya’t kada maliit na tusok humihiyaw ka. Kada maliit na tapik naghuhuramentado ka. Dahil kapag nagalaw ang komportable mong higaan ay hindi mo alam kung saan ka pupulutin. 

Kung matibay ang pananampalataya mo, ang sagot mo kay Mideo ay “Eh ano ngayon?”

Ngunit marupok ang pananampalataya mo, kaya’t ang sagot mo kay Mideo ay “O dyosko sunugin n’yo ‘yan ayokong makita!”

3. Naglalakwatsa ang simbahan mo

Ilagay mo ang sarili mo sa kasaysayan; handa kang manakit, handa kang pumatay nang kapwa mo dahil nainsulto ang makitid mong sensibilidad?

Ikaw ang pumatay kay Galileo. Ikaw ang nagbura sa kaalaman at sibilisasyon ng mga Maya. Ikaw ang bumaril kay Rizal. Ikaw ang bumatikos kay Darwin. Ikaw ang nagsunog sa mga album ng Beatles. Ikaw ‘yung gunggong na hinihimatay dahil akala mo’y satanista ang Eraserheads dahil may narinig kang kung ano nang patugtugin mo ang cassette nila nang patalikod (at gunggong ka talaga kung nagugulat ka pang may maririnig kang kakaiba pag bi-nack mask mo ang isang cassette). Ikaw ang nagsunog sa mga kababaihan ng Salem dahil marunong silang manggamot. Ikaw ang nagbigti sa mga babaylan. Ikaw ang humiwa-hiwa sa katawan ni Hypatia.

Ikaw ang pariseong nagpapako ng isang “mambababoy” at “blasphemous” na karpintero sa krus.

 Pero hindi mo ito makita, ano? (At as usual, ni hindi mo makita na ang bawat maliit na bagay na sinusubukang i-censor ng mga gunggong na katulad mo ay lalo lang sumisikat).

 4. Mideo

Mideo. Saka na natin pag-usapan ang pagiging passé ng imagery mo. Saka na natin pag-usapan ang merits (o kawalan ng merit) ng shock art. Ngayon ay isa kang kapatid sa paglikha.

 Huwag kang matakot, Mideo.  Maging matapang ka.

 Maaari mo sigurong sabihin na madali itong sabihin para sa akin. Madali sa aking magtapang-tapangan dahil hindi ako ang pinagbabantaan.  Hindi ako ang hinahabla.

 Pero hindi ako nagtatapang-tapangan, Mideo. Hinihiling kong huwag kang matakot, hinihiling kong maging matapang ka, dahil ako ang natatakot. Natatakot ako para sa bawat alagad ng sining na kilala ko’t hindi kilala. Natatakot ako para sa sining. Natatakot ako para sa Pilipinas.

Ang daan paharap ay ang patuloy mong paglikha, kapatid. Kung kaya mo pang lumikha, kaya pa naming lumikha. Pabayaan mo silang bumatikos. Passe na kung passé, mas matatag pa rin ang iyong sining sa kanilang pananampalatayang papel.

I find that

1. Things aren’t always as bad as they seem. 

Not in the sense that your worst-case scenario won’t happen. Because there’s always a possibility of your worst-case scenario happening. I just find that often, worst-case scenarios really aren’t that bad

2. Once you’ve genuinely done everything you can about something,

It’s time to stop worrying about it. See above.

‘That’ UCLA girl and the new racism.

So I’m pretty sure you’ve heard all about it.

Alexandra shown here, speaking the ancient Asian tongue of Ching-chong-ling-long.

A white student from UCLA gets on the webcam one regular afternoon and decides to share her annoyance towards the monolithic race-culture that is known as  ‘The Asian’.

What follows is a tragic mix of 1930’s ‘ching-chong’  taunts, a putdown of the survival skills of Asian youth, a half-hearted attempt to sympathy for Japanese tsunami victims, and a condescending ‘welcome-to-America’ instruction on ‘American manners’ (the dog-whistle here being that ‘American’ is synonymous to ‘white’, since Asians and other cultural groups are apparently excluded from these manners, regardless of US citizenship).

Tellingly, miss Wallace shares that her annoyance stems from her upbringing as a ‘polite, nice American girl’.

If we believe this to be true (and we do, since nice, polite American girls do not lie), we can trace her bigoted world view to her parents. By extension her immediate family, by extension her friends (which we can only assume includes Asians, since she took the effort to exclude them from her rant), and by extension the circle of acquaintances she keeps.

One 3-minute video then becomes more than a singular youthful miscalculation, but a glimpse at the entire segment of the American population that she inhabits. It chills me to think that in this segment, miss Wallace’s views are not extraordinary, but the unspoken norm.

And in there seethes a different strain of racism. It is not your father’s racism, mind you, the one that lets loose dogs on protesters and hangs men on trees. Instead, it is the racism that tries to excuse itself with “I’m not racist but”. The one that prides itself of its hateful garbage because it is somehow a protest against the perceived tyranny of political correctness.

While the racism of old was a humoungous, armored beast, the racism of today is a snake that hides in the grass. It is slippery, and it has many holes to hide in. Our struggle against this form of racism may no longer be in streets and barricades, but in every person that we meet. It is no longer a matter of bringing it down, but a matter of denying it safe haven.

An indictment of Alexandra is an indictment of every person who did not challenge her ignorance. It is an indictment of our society and mass media that did not widen her horizons and gave her the impression that her anecdotal experience is enough to demean entire races and cultures. This is not to say that Alexandra committed no fault; it simply means that too many of us are at fault with her.

There is no telling how this will affect Alexandra Wallace, the individual. Unfortunately, in the age of Google, whether she genuinely sees and understands her bigotry or not, her reputation may already be forever tarnished (unless, perhaps, another Alexandra Wallace comes by and accomplishes something great, or commits a bigger blunder). I would assume that the greatest distraction from her finals are no longer Asians in the library, but the death threats she is now subjected to.

She has now issued an apology. But like all apologies bourne from scandal, only she would know if she is apologizing for something she now knows to be wrong, or if she is apologizing for being caught.

Meanwhile, please donate to the relief efforts for the Japanese tsunami by clicking on the poster. Designed by Dan at http://twistedfork.me/

Either way, I wish her well. If we are all children of our societies then Alexandra is our sister. Perhaps the best way forward would be to forgive but never forget, and purge our own bigotries before we, in turn, make fools of ourselves in front of the world.

Confessions

1. It’s been a while since my heart raced. It’s in horrible shape and it’s your damn fault that it’s running at full speed and it doesn’t know what to do with itself. You’re gonna give it a heart attack, you know.  Which would be ironic, a heart getting a heart attack (or is it poetic?).

2. It was valentine’s. I waited for you outside doing the creepy-stalker bit. I gave you a gift that was cheesy but it was cheesy because it was heartfelt.  It’s nice to feel nice while waiting for somebody.

3. You scramble my thoughts. Which is why I forgot to ask you out for dinner. I waited for an hour and a half for a chance to ask you out to dinner and I forgot to do it when you were finally there before me.

What a blunder. What a rookie mistake.

4. You make me feel like a rookie. Which is probably a lesson in humility. I’ll try harder. Maybe I’ll win your heart.